Tag: DENR Metropolitan Environmental Office (MEO)–North
-
DENR MEO–North Pinaigting ang Panawagan sa Pangangalaga ng mga Pawikan ngayng World Sea Turtle Day 2026

Nanawagan ang DENR Metropolitan Environmental Office (MEO)–North sa publiko na makiisa sa pangangalaga ng mga pawikan at kanilang mga tirahan kasabay ng pagdiriwang ng World Sea Turtle Day 2026 ngayong Hunyo 16. Ayon sa DENR MEO–North, mahalagang bahagi ng konserbasyon ng yamang-dagat at rehabilitasyon ng Manila Bay ang pagpapanatili ng mga tirahan ng mga pawikan,…
-
Reticulated Python na Naipit sa Gill Net, Na-rescue ng DENR

NAVOTAS CITY– Agad na nagsagawa ng response operation ang DENR Metropolitan Environmental Office (MEO)–North, matapos matagpuan ang isang reticulated python (Malayopython reticulatus) na naipit sa isang gill net sa coastal area ng Barangay Tangos South, Navotas City. Ayon sa paunang obserbasyon ng mga responder, nasa kritikal na kondisyon ang sawa at nagtamo ng bali sa…
-
Philippine Scops Owl, Iniligtas Matapos Bumagsak sa Kabahayan

Agarang inaksyunan ng DENR Metropolitan Environmental Office (MEO)–North, sa pakikipagtulungan ng City Veterinary Services Office (CVSO), ang isang Philippine Scops Owl (Otus megalotis) na nai-turn over mula sa Barangay Paso De Blas, Valenzuela City. Ayon sa ulat ng mga residente, natagpuan ang kuwago matapos itong bumagsak malapit sa isang kabahayan. Bilang pag-iingat, pansamantala itong inilagay…
-
Philippine Box Turtle, Nasalba mula sa Tambak ng Basura

Isang Philippine box turtle ang natagpuan sa gitna ng naipong basura sa Mayer Creek, Barangay Lingunan, Valenzuela City, na agad na narespondehan ni Estero Ranger Michael Lanozo ng Meycauayan River Cluster, sa ilalim ng DENR Metropolitan Environmental Office (MEO)–North. Ayon sa ulat, agad na inalis ni Lanozo ang hayop mula sa tambak ng basura at…
