OLONGAPO CITY– Aabot sa 1,000 kahon ng relief food packs mula sa Office of Senator Risa Hontiveros ang ipamamahagi sa Rizal Triangle Park para sa mga residenteng naapektuhan ng pagbaha sa Olongapo City.

Bahagi ito sa relief assistance program ng senadora na pinangasiwaan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) katuwang ang local na pamahalaan. Nauna nang nakapagbigay ng 200 food packs sa mga fisherfolk ng Barangay Barretto ng nasabing siyudad.

Inaasahang makatutulong ang food packs sa mga apektadong pamilyang bumabangon mula sa epekto ng kalamidad, na labis namang pinasalamatan ni Olongapo City Mayor Rolen Paulino Jr. si Sen. Hontiveros sa pinadalang  ayuda.  (Ulat ni Mitch C. Santos para sa Ang Pahayagan Multimedia News)

📸 Olongapo City Information Center

Leave a comment

Trending