CASTILLEJOS, ZAMBALES — Kasalukuyang isinasagawa ngayong Setyembre 14, 2026 sa Municipality of Castillejos, Zambales ang YAKAP na Handog ng Pangulo 2026 – Workplace-Based Activation, sa pakikipagtulungan ng PhilHealth YAKAP Clinics at iba’t ibang ahensya ng pamahalaan.

Tampok sa aktibidad ang pagbibigay ng mga serbisyong pangkalusugan sa mga pre-selected workers/employees at walk-in community beneficiaries, kabilang ang triage operations at main service rollout mula sa mga participating agencies.
Pinangunahan sa programa ang opening ceremonies, welcome remarks ni SB Member Rhodora R. Guevarra, mensahe ni Vice Mayor Christian T. Esposo, at pagbibigay ng overview sa mga government initiatives at interagency convergence ni Leny D. Fajardo, Chief Social Insurance Officer ng LHIO Olongapo City.
Isinagawa rin ang opisyal na pagbubukas ng workplace-based activation booths at walkthrough sa pangunguna ni Dr. Aubrey E. Deperio, Municipal Health Officer.
Layunin ng programa na mailapit ang mga serbisyong pangkalusugan at iba pang tulong ng pamahalaan sa mga manggagawa at komunidad sa pamamagitan ng koordinasyon ng mga ahensya.
Kasunod ng service rollout at triage operations ang synthesis at debriefing ng Municipal Health Office at PhilHealth Team ngayong hapon.
NI: MITCH C. SANTOS




Leave a comment