OLONGAPO CITY — Nakiisa ang SM City Olongapo Downtown, kasama ang I-Pilipino at Artist3 Art School & Academic Center Olongapo, sa pagdiriwang ng Grannies Day noong Setyembre 13, 2026.
Isinagawa ang mga aktibidad bilang pagkilala sa mga lolo at lola at pagbibigay sa mga senior citizen ng pagkakataong makibahagi sa mga gawaing kasama ang kanilang pamilya at komunidad.


Kabilang sa mga aktibidad ang libreng paggawa ng greeting cards, bead activities, at serenades o awiting alay para sa mga lolo at lola.
Nakibahagi rin ang I-Pilipino at Artist3 sa mga gawaing nakatuon sa sining at pagkamalikhain bilang bahagi ng programa.
Layunin ng pagdiriwang na bigyang-pansin ang papel ng mga nakatatanda sa pamilya at komunidad at hikayatin ang mga pamilya na maglaan ng oras para sa kanila. (Ulat ni MITCH. C. SANTOS para sa Ang Pahayagan)




Leave a comment