SAN MARCELINO — Kinilala ang San Marcelino District Hospital (SMDH) bilang isa sa mga naging katuwang sa matagumpay na pagpapatupad ng “Yakap na Handog ng Pangulo 2026.”

Binigyan ng Certificate of Appreciation ang San Marcelino District Hospital bilang pagkilala sa kanilang mahalagang suporta, aktibong pakikilahok at pakikipagtulungan sa nasabing programa.

Ayon sa sertipiko, naging instrumental ang kontribusyon ng ospital bilang key stakeholder upang maging matagumpay ang naturang aktibidad.

Iginawad ang pagkilala ngayong Setyembre 14, 2026 sa SMDH Conference Hall, San Marcelino, Zambales, at nilagdaan ni Leny D. Fajardo, Chief Social Insurance Officer ng LHIO Olongapo.

Ang pagkilalang ito ay nagpapakita ng kahalagahan ng pagtutulungan ng mga institusyong pangkalusugan at iba pang stakeholders sa paghahatid ng mga serbisyong may malasakit at benepisyo sa mga Pilipino.

NI: MITCH C. SANTOS

Leave a comment

Trending