OLONGAPO CITY — Opisyal nang inilunsad ang “Visual Arts (Drawing/Painting)” program bilang bahagi ng Olongapo City Summer Clinic 2026 para sa mga kabataang nais malinang ang kanilang talento at kakayahan sa sining.
Sa pakikiisa ng City Sports and Youth Development Office, isinusulong ang mga programang naglalayong paunlarin ang pagkamalikhain at kakayahan ng mga kabataan habang panahon ng bakasyon.
Layunin ng nasabing summer clinic na mabigyan ng pagkakataon ang mga kabataan na matuto ng basic drawing at painting techniques habang nahuhubog ang kanilang disiplina, kumpiyansa sa sarili, at pagpapahalaga sa sining at kultura.

Sa kasalukuyan, mahigit 60 kabataan ang kalahok sa isinagawang mural painting activity sa kahabaan ng bakod o pader ng YMCA sa pangunguna ng Artist3. Nakatakdang matapos ang proyekto sa Mayo 8, 2026.
Ayon sa lokal na pamahalaan, bahagi rin ang programa ng adbokasiya ng lungsod para sa “Transparency and Good Governance” sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga makabuluhan at produktibong aktibidad para sa komunidad at kabataan. (Ulat at larawan para sa Ang Pahayagan / MITCH C. SANTOS)


Leave a comment