Ang Pahayagan

BFP OLONGAPO, TUMULONG SA FIRE SUPPRESSION OPERATION SA ISANG SUNOG SA SUBIC FREEPORT

OLONGAPO CITY — Nakibahagi ang mga tauhan ng Olongapo City Fire Station sa isinagawang fire suppression at mop-up operations sa Subic Grain Terminal sa Leyte Wharf, Subic Bay Freeport Zone noong Mayo 6, 2026.

Pinangunahan ang operasyon ni FSSUPT Santos C. Gawongna, DSC, Acting Regional Director ng BFP Region 3, sa ilalim ng superbisyon ni FSSUPT Jeannette D. Jusayan, DSC, Provincial Fire Marshal ng Zambales, at sa paggabay ni FSUPT Josie G. Lising, MPA, Olongapo City Fire Marshal.

Ayon sa ulat, nakipag-ugnayan ang Bureau of Fire Protection (BFP) Olongapo sa SBMA Fire Department at City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) ng Olongapo City sa pamumuno ni Jeffrey C. Lapid upang mapabilis ang pag-apula sa natitirang apoy at maiwasan ang muling pagliyab ng sunog.

Kabilang sa isinagawang operasyon ang pag-apula sa mga natitirang baga sa conveyor bridge ng pasilidad bilang bahagi ng mop-up operations.

Binigyang-diin ng BFP Olongapo na ang matagumpay na koordinasyon ng iba’t ibang ahensya ay patunay ng pagkakaisa at dedikasyon ng mga responder sa pagpapanatili ng kaligtasan ng publiko. (Ulat para sa Ang Pahayagan / MITCH C. SANTOS)

📸  BFP Central Luzon

Leave a comment