TARLAC– Pormal nang nagsagawa ng groundbreaking ceremony para sa Central Luzon Integrated Agricultural Laboratory Building nitong Martes, ika-5 ng Mayo sa CLIARC for Lowland Development, Brgy. Paraiso, Tarlac City, Tarlac.
Ang nasabing proyekto ay magkaroon ng pinag-isang pasilidad para sa Integrated Laboratories Division, na magpapalakas sa pananaliksik, serbisyong diagnostiko, at mga serbisyong laboratoryo sa Gitnang Luzon, bilang suporta sa patuloy na pag-unlad ng sektor ng agrikultura.

Pinagunahan ng Kagawaran ng Pagsasaka para sa Gitnang Luzon (DA RFO 3) ang nasabing seremonya katuwang ang mga opisyales ng lokal na pamahalaan ng Lungsod ng Tarlac at Pamahalaang Panlalawigan ng Tarlac. (Detalye at larawan mula DA Central Luzon)


Leave a comment