BOTOLAN– Ginanap ngayong araw ang Ayta’s Patundoyan 4.0, kung saan itinampok ang husay at galing ng mga katutubong Ayta sa pag-target gamit ang pana.
Bahagi ang nasabiing aktibidad sa apat na araw na Pinatubo Festival sa bayan ng Botolan sa Zambales.

Ang aktibidad ay pinangunahan ni Indigenous Peoples Mandatory Representative (IPMR) Ramon Abejon, kasama si Municipal Administrator Jeffrey Bautista, Sanggunian Bayan Member Gregorio Jaring, ABC Fernando Oñate, SK Federation Jessa Nicole Jaring at PTIPO-STOO Kevin Lesaca Nacabuan ng Provincial Tourism Office.

Sa nasabing paligsahan na nilahukan ng maging ilang kababaihan Ayta ay naipakita ang mayamang kultura, tradisyon, at kakayahan ng mga katutubong Botoleño.
📸 LGU Botolan


Leave a comment