OLONGAPO CITY–Sinimulan na ng Pamahalaang Lungsod ng Olongapo ang proyektong pagsasaayos ng bagong pampublikong palengke na inaasahang magbibigay ng mas maayos na pasilidad para sa mga mamimili at tindero sa lungsod.
Bahagi sa inisyal na yugto ng proyekto ay ang paglilinis at paghahanda ng lugar kung saan itatayo ang bagong pamilihan.
Kasabay nito ang pagpaplano ng mas organisadong layout upang maging mas maayos ang daloy ng kalakalan at mapadali ang pag-access rito ng publiko.
Ayon sa mga opisyal ng lungsod, layunin ng proyekto na mapabuti ang kalinisan, kaligtasan, at kaayusan sa pamilihan, bukod pa sa pagtulong sa pagpapalakas ng lokal na ekonomiya.

Tiniyak din nila na isasaalang-alang ang kapakanan ng mga vendor upang hindi maapektuhan ang kanilang kabuhayan habang isinasagawa ang proyekto.
Sa oras na makumpleto, inaasahang magiging moderno at mas episyente ang bagong palengke na magsisilbing pangunahing sentro ng kalakalan sa Olongapo City. (Ulat at larawan para sa Ang Pahayagan / MITCH C. SANTOS)


Leave a comment