Ang Pahayagan

PBBM nanindigan sa PUV Modernization Program

MAYNILA– Nanindigan si Pangulong Ferdinand R.Marcos Jr. na hindi na nito palalawigin pa ang Disyembre 31 deadline para sa consolidation ng mga public utility vehicles (PUV) operators kasunod ng pakikipagpulong nito sa mga transport officials nitong Martes, Disyembre 12.

Ito ay sa kabila ng banta ng ilang transport group sa pangunguna ng PISTON na planong magsagawa ng isang transport strike sa darating na Disyembre 14 at 15, katulad sa naunang three-day strike noong nakalipas na Nobyembre 20,

“Today (Tuesday), we held a meeting with transport officials, and it was decided that the deadline for the consolidation of public utility vehicles (PUV) operators will not be extended,” pagdidiin na pahayag ng pangulo sa isang statement na inilabas ng Presidential Communication Office.

Binigyang diin ni Pangulong Marcos na 70 porsiyento ng mga operator ay “nakatuon at pinagtibay” na ang PUV Modernization Program at hindi na maaaring payagan ng pamahalaan ang karagdagang pagkaantala sa pagpapatupad nito.

Dagdag pa niya na ang naturang pagkaantala ay nakakaapekto sa karamihan ng mga PUV operator, bangko, financial institutions at publiko.

“Adhering to the current timeline ensures that everyone can reap the benefits of the full operationalization of our modernized public transport system. Hence, the scheduled timeline will not be moved,” saad ng pangulo.

Ayon naman sa PISTON, ilulunsad ng kanilang grupo ang transport strike dahilan sa ibinigay na deadline na franchise consolidation at ang umano’y phase-out ng mga traditional jeepney.

Napag-alaman na maaari anilang magkaroon ng krisis sa transportasyon kung hindi na papayagang makapagparehistro sa LTFRB ang mga tradisyunal na jeepney.

Leave a comment