OLONGAPO CITY– Arestado ang isang 32-anyos na lalaki matapos makumpiskahan ng hinihinalang shabu sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya dakong alas-11:55 ng gabi noong Nobyembre 1, 2026 sa Barangay Sta. Rita, Olongapo City.

Kinilala ang suspek sa alyas na “Wanie,” residente ng Jolo Tabacuhan, Barangay Sta. Rita.

Ayon sa ulat ng Olongapo City Police Office (OCPO), isinagawa ng City Police Drug Enforcement Unit (CPDEU) ang operasyon sa bisa ng Target Intelligence Packet Control Number B-2026-51-PRO3-OCPO-CDEU.

Nasamsam mula sa suspek ang tatlong heat-sealed plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na may kabuuang timbang na tinatayang 4.86 gramo at may standard drug price na ₱33,048.

Narekober din ang isang ₱500 bill na ginamit bilang buy-bust money.

Dinala sa tanggapan ng CPDEU ang naarestong suspek kasama ang mga nakumpiskang ebidensya para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon.

Patuloy naman ang kampanya ng pulisya laban sa ilegal na droga sa lungsod. (Ulat ni Mitch C. Santos)

Leave a Reply

Trending