SAN ANTONIO, Zambales — Nasagip ng mga tauhan ng Philippine National Police Maritime Group (PNP-MG) ang dalawang indibidwal na muntik nang malunod sa karagatan malapit sa Police Assistance Desk sa Barangay San Miguel, San Antonio, Zambales, bandang 12:55 ng tanghali noong Nobyembre 2.

Agad na rumesponde ang mga tauhan ng San Antonio Maritime Law Enforcement Team, Olongapo Maritime Police Station at Regional Maritime Unit 3 matapos mamataan ang dalawang indibidwal na humihingi ng saklolo sa layong 25 hanggang 30 metro mula sa dalampasigan.

Matagumpay na naiahon sa tubig ang dalawa na kapwa may malay. Agad silang ipinagkatiwala sa mga medical personnel, sa tulong ng mga opisyal ng barangay, para sa pagsusuri at kaukulang atensiyong medikal.

Kaugnay nito, patuloy ang paglalagay ng PNP-MG ng mga tauhan at rescue personnel sa mga dalampasigan, baybayin at iba pang lugar-pasyalan bilang bahagi ng Ligtas Undas 2026 upang matiyak ang kaligtasan ng publiko at agarang pagtugon sa mga emergency. (Ulat at larawan mula sa PNP Maritime Group)

Leave a Reply

Trending