MARIVELEZ, Bataan– Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Elderly Filipino Week, nagsagawa ang Authority of the Freeport Area of Bataan, sa pamamagitan ng Gender and Development Committee, ng Medical Mission para sa mga Senior Citizen ng Barangay Malaya at Barangay Maligaya sa AFAB Sports Complex.
Sa pakikipagtulungan sa Philippine Red Cross – Bataan Chapter at ng Essilor Manufacturing Philippines, Inc., nabigyan ang mga senior citizen ng access sa mga serbisyong medikal tulad ng konsultasyon, pangangalaga sa kalusugan at paningin, at mga programa para sa pagpapalawak ng kaalaman tungkol sa kalusugan.



Sa pamamagitan ng inisyatibong ito, patuloy na ipinapakita ng AFAB ang malasakit sa komunidad at pagsasaalang-alang sa kalusugan ng ating mga senior citizen. (AFAB Press Release)





Leave a Reply