OLONGAPO CITY– Pormal nang nanumpa sa katungkulan ngayong araw si Donald Elad Aquino bilang bagong miyembro ng Sangguniang Panlungsod ng Olongapo City, kapalit ng yumaong dating City Councilor Atty. Noel Atienza.

Nanumpa si Aquino bilang bagong talagang City Councilor sa harap ni Mayor Atty. Rolen C. Paulino Jr. nitong Lunes, Oktubre 12, 2026 sa Rizal Triangle alinsabasy sa regular na flag raising ceremony. Malugod namang tinanggap ng Liga ng mga Barangay ang bagong konsehal at nagpahayag ng pagbati sa kanyang pagkakaluklok sa puwesto.

Sa mensahe ng Liga ng mga Barangay na pinangungunahan ni ABC President Priscilla “Kap Echie” Ponge, ipinaabot nito ang mainit na pagtanggap kay Aquino sa hanay ng Sangguniang Panlungsod, kasabay ng panalangin para sa maayos at matagumpay niyang paglilingkod sa bayan.

Ang panunumpa ni Aquino ay kasunod ng pagpanaw ni dating Konsehal Atty. Noel Atienza, na nag-iwan ng bakanteng puwesto sa konseho ng lungsod.

Sa pagkakaupo ni Aquino, inaasahang ipagpapatuloy niya ang tungkulin sa paglilingkod sa mga mamamayan ng lungsod at ang pagsusulong ng mga programang makatutulong sa pag-unlad ng bawat barangay. (Ulat ni Mitch C. Santos)

Larawan mula sa Olongapo City Information Center

Leave a Reply

Trending