MARIVELES, Bataan– Matagumpay na nagsagawa ng talakayan ang Authority of the Freeport Area of Bataan, Department of Labor and Employment, Public Employment Service Office, at iba’t ibang sangay ng pamahalaan hinggil sa mga programa para sa kabuhayan, trabaho, at pagpapaunlad ng kakayahan ng mga manggagawa sa FAB.

Kabilang sa mga tinalakay ang mga update sa mga programa ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA), Department of Migrant Workers (DMW), Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), Special Program for the Employment of Students (SPES), Government Internship Program (GIP), at Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD), gayundin ang mga usapin hinggil sa Kasambahay Program at PESO Congress.

Patuloy ang pagtutulungan ng AFAB, DOLE, PESO at iba’t ibang sangay ng pamahalaan upang suportahan ang mga manggagawa, mag-aaral, at buong komunidad ng FAB sa pamamagitan ng mga programang naglalapit ng mga oportunidad sa trabaho at kabuhayan para sa lahat. (AFAB Press Release)

Leave a Reply

Trending