OLONGAPO CITY– Inilunsad sa Olongapo Civic Center ang Joint Police, Barangay Peacekeeping Action Teams Mobilization (JBPM) Patrol System, isang programa na naglalayong palakasin ang koordinasyon ng pulisya at mga barangay sa pagpigil at pagtukoy ng mga krimen sa Central Luzon ngayong Huwebes, Oktubre 8, 2026
Batay sa programa ng paglulunsad, nakatuon ang JBPM Patrol System sa mobilisasyon ng mga pulis at Barangay Peacekeeping Action Teams (BPATs) bilang katuwang sa pagpapanatili ng kapayapaan at seguridad sa mga komunidad.
Layunin nitong higit pang mapalakas ang crime prevention and detection sa pamamagitan ng mas aktibong koordinasyon at pagbabantay sa mga barangay.

Tampok sa paglulunsad ang paglagda ng mga kalahok sa Pledge of Support and Commitment na pinangunahan ni PBGen Jess B. Mendez, Regional Director ng Police Regional Office 3 (PRO 3).
Inaasahang magsisilbing dagdag na mekanismo ang JBPM Patrol System upang maging mas maagap ang pagtugon sa mga posibleng insidente ng krimen at mapalapit ang serbisyo ng kapulisan sa mga komunidad. (Ulat ni Michael C. Santos para sa Ang Pahayagan)





Leave a Reply