OLONGAPO CITY– Ipinagmalaki ng Pamahalaang Lungsod ng Olongapo ang pagkakamit ni Jhon Mike Tungol ng bronze medal bilang bahagi ng Team Sibol sa Honor of Kings (HoK) Esports tournament ng 20th Asian Games na ginanap sa Aichi-Nagoya, Japan.

Nagpaabot ng pagbati ang City Government of Olongapo sa pangunguna ni Mayor Atty. Rolen C. Paulino Jr. at ng City Sports and Youth Development Office kay Tungol sa matagumpay niyang pagrepresenta sa bansa sa prestihiyosong kompetisyon.

Ayon kay David Bayarong, Manager ng City Sports and Youth Development Office, malaking karangalan para sa lungsod ang pagkamit ni Tungol ng medalya, na nagsilbing ambag sa karangalan ng lungsod at ng Pilipinas sa larangan ng esports.

Sa pamamagitan aniya ng Team Sibol, ipinamalas ng mga atletang Pinoy ang kanilang husay sa kompetitibong galing sa Honor of Kings, isa sa mga larong tampok sa esports competition ng Asian Games.

Nagpaabot naman ng pasasalamat ang pamahalaang lungsod sa pangunguna ni Mayor Paulino Jr., kay Tungol sa pagbibigay ng karangalan sa Olongapo at sa buong bansa.

“Congratulations, Jhon Mike Tungol! Thank you for bringing glory to our city and nation,” mensahe ni Paulino. (Ulat ni Mitch C. Santos para sa Ang Pahayagan)

📸 Olongapo City Information Office

Leave a Reply

Trending