SAN ANTONIO, Zambales — Nagsagawa ng ocular site inspection si Mayor Dok Arvin Antipolo kasama ang mga organizer ng Trilogy Run for the West Philippine Sea bilang paghahanda sa pagdaraos ng ikalawang leg ng karera sa bayan sa Okt. 11, 2026.
Sinuri sa inspeksiyon ang lugar ng aktibidad, daloy ng programa at mga kinakailangang hakbang upang matiyak ang kaligtasan ng mga kalahok at bisita.

Gaganapin ang aktibidad sa Municipal Auditorium sa Barangay Rizal, kung saan inaasahang lalahok ang mga mananakbo sa 3-kilometro, 5-kilometro at 10-kilometrong kategorya.
Ayon sa lokal na pamahalaan, patuloy ang koordinasyon nito sa mga organizer at iba pang katuwang para sa maayos at ligtas na pagsasagawa ng aktibidad na naglalayong itaguyod ang kamalayan at suporta para sa West Philippine Sea.
Magsisimula ang assembly ng mga kalahok alas-4 ng madaling araw.

Tara, San Antonio, Zambales! Join us for the 2nd Leg of The Trilogy Run for the West Philippine Sea this October 11, 2026!
FREE REGISTRATION
FREE SINGLET — until supplies last
FREE FINISHER MEDAL — until supplies last
Municipal Auditorium, Brgy. Rizal, San Antonio, Zambales
Assembly: 4:00 AM
Distances: 3KM | 5KM | 10KM
SCAN THE QR CODE TO REGISTER!





Leave a Reply