OLONGAPO CITY– Arestado ang isang 35-anyos na lalaki na alyas “Jheff” sa isinagawang buy-bust operation ng City Police Drug Enforcement Unit (CPDEU) sa Barangay New Kalalake, Olongapo City.
Ayon sa ulat ng pulisya, dakong alas-11:20 ng gabi noong Setyembre 28, 2026 nang isagawa ng CPDEU ang operasyon sa kahabaan ng Gatbunton Street, Barangay New Kalalake. Nasamsam sa operasyon ang apat na umano’y heat-sealed plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na may kabuuang timbang na humigit-kumulang 4.55 gramo.
Tinatayang nasa ₱30,940 ang Standard Drug Price ng nakumpiskang hinihinalang ilegal na droga. Narekober din ng mga awtoridad ang ₱500 buy-bust money.
Dinala ang suspek at mga nakumpiskang ebidensya sa tanggapan ng CPDEU para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon. Ang mga nakumpiskang substance ay isasailalim sa kaukulang pagsusuri, habang ang suspek ay haharap sa mga kasong may kaugnayan sa paglabag sa mga probisyon ng Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (Ulat ni Mitch C. Santos para sa Ang Pahayagan)





Leave a Reply