Tatlong hinihinalang sangkot sa ilegal na droga ang naaresto sa isinagawang buy-bust operation ng City Police Drug Enforcement Unit (CPDEU) sa Rodriguez Street, Barangay New Kalalake, Olongapo City, bandang 10:25 ng gabi noong Agosto 22, 2026.

Kinilala ang mga suspek sa kanilang mga alyas na “Isang,” “Joan,” at isang lalaki na hindi pinangalanan sa alyas, na pawang nakatira sa Barangay New Kalalake.

Ayon sa pulisya, isinagawa ang operasyon matapos saklawin ng Target Intelligence Packet at nagresulta sa pagkakaaresto sa tatlo.

Nasamsam mula sa mga suspek ang tatlong heat-sealed plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na may timbang na humigit-kumulang 5 gramo at tinatayang nagkakahalaga ng ₱34,000 batay sa Standard Drug Price. Narekober din ang ₱500 buy-bust money.

Dinala sa tanggapan ng CPDEU ang mga naarestong suspek at mga nakumpiskang ebidensya para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon.

Inihahanda naman ang kaukulang kaso laban sa mga suspek kaugnay ng paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (Ulat ni Mitch C. Santos para sa Ang Pahayagan)

Leave a Reply

Trending