Inilunsad ng Philippine Animal Welfare Society (PAWS) ang “Homeless Not Worthless” campaign upang baguhin ang pananaw ng publiko sa mga hayop na walang tahanan at isulong ang responsableng pag-aalaga at kapakanan ng mga ito.
Pinangunahan ng celebrity spokesperson ng PAWS na si Jodi Sta. Maria ang paglulunsad ng kampanya, kung saan ibinahagi niya ang kuwento ng kaniyang rescue dog na si Putol.

Ayon sa PAWS, layunin ng kampanya na ipabatid na ang kawalan ng tahanan ay hindi sukatan ng halaga ng isang hayop. Anuman ang kanilang pinagmulan o kalagayan, nararapat silang tratuhin nang may pagmamahal, respeto at malasakit.
Hinikayat ng organisasyon ang publiko na makibahagi sa pagsusulong ng animal welfare sa pamamagitan ng responsableng pag-aalaga, pagtulong sa mga hayop na nangangailangan at pagbibigay sa kanila ng pagkakataong magkaroon ng ligtas at maayos na tahanan.

Binigyang-diin ng PAWS na bawat hayop ay may halaga at karapat-dapat mabuhay nang ligtas mula sa pang-aabuso at kapabayaan. (Ulat ni Mitch C. Santos para sa Ang Pahayagan)




Leave a comment