MORONG, Bataan—Ininspeksyon ng Bases Conversion and Development Authority (BCDA) ang mga ginagawang Camp General Rodolfo Biazon bilang bahagi ng paghahanda sa planong paglilipat ng Philippine Marine Corps mula sa kasalukuyang kampo nito sa Fort Bonifacio sa Taguig City.

Ayon kay BCDA Director Rolen Paulino Sr. na nanguna sa isinagawang ocular visit, inaasahang magiging bagong kampo ng mahigit 10, 000 tauhan ng Philippine Marines ang Camp General Rodolfo Biazon, at target na maisagawa ang turnover bago matapos ang taong ito.

Ang naturang proyekto ay nakapaloob 365-hektaryang lupain ng Bataan Technological Park, Inc., na nilikha mula sa dating Philippine Refugee Center sa Morong, Bataan.

Ang naturang hakbang ay bahagi ng mga inisyatiba kaugnay ng paggamit at pamamahala sa mga pasilidad at lupang sakop ng BCDA, kabilang ang paghahanda sa magiging permanenteng kampo ng Philippine Marines.

Patuloy naman ang koordinasyon at paghahanda upang matiyak ang maayos na paglilipat at turnover ng kampo sa PMC sa itinakdang panahon. (Ulat ni MITCH C. SANTOS para sa Ang Pahayagan)

Leave a comment

Trending