LUNGSOD NG OLONGAPO– Isinagawa ng Disaster Resilience Symposium 2026 ang pagtitipon na naglalayong palawakin ang kaalaman, palakasin ang kahandaan, at isulong ang katatagan ng mga komunidad laban sa iba’t ibang uri ng kalamidad noong Hulyo 30, 2026 sa SM SMX Convention Center.

Pinagsama-sama ng symposium ang mga eksperto, disaster responders, kinatawan ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan, at mga lider ng komunidad upang magbahagi ng mga karanasan, pinakamahuhusay na pamamaraan, at makabagong estratehiya sa larangan ng Disaster Risk Reduction and Management (DRRM).

Tinalakay sa programa ang kahalagahan ng mas matibay na koordinasyon at pagtutulungan ng iba’t ibang sektor upang higit na mapahusay ang paghahanda, pagtugon, at pagbangon ng mga komunidad sa oras ng sakuna.

Ayon sa mga tagapag-organisa, ang patuloy na pagpapalawak ng kaalaman at pagpapalakas ng kakayahan ng mga kalahok ay mahalagang hakbang sa pagbuo ng ligtas at matatag na pamayanan. Bitbit ng symposium ang mensaheng “Prepared today. Resilient tomorrow,” bilang paalala na ang kahandaan sa kasalukuyan ang susi sa isang mas ligtas at mas matatag na kinabukasan. (Ulat ni Mitch C. Santos para sa Ang Pahayagan)

📸 DRRMO-Olongapo City

Leave a comment

Trending