SUBIC BAY FREEPORT– Pormal nang binuksan ang Rise Trade Fair 2026 ng JCI Olongapo bilang bahagi ng inisyatiba na palakasin ang mga lokal na negosyo at bigyang pagkakataon ang mga micro, small, and medium enterprises (MSMEs) na maipakilala ang kanilang mga produkto sa mas malawak na merkado.  

Sa temang “Go Lokal, Go Global,” isinasagawa ang trade fair mula Hulyo 13 hanggang 15, 2026, alas-10:00 ng umaga hanggang alas-9:00 ng gabi sa Ayala Malls Harbor Point sa Subic Bay Freeport Zone.

Tampok sa naturang trade fair ang iba’t ibang dekalidad na produktong lokal, kabilang ang pagkain, handicrafts, fashion, at iba pang likhang-kamay ng mga lokal na negosyante.  

Layunin din ng programa na hikayatin ang publiko na tangkilikin ang mga produktong Pilipino habang binibigyan ng oportunidad ang mga negosyante na mapalawak ang kanilang merkado.  

Ayon sa mga organizer, ang aktibidad ay naglalayong palakasin ang lokal na ekonomiya, suportahan ang mga entrepreneur, at mabuksan ang mas maraming oportunidad para sa pagpasok ng mga lokal na produkto sa pandaigdigang merkado. (Ulat at larawan ni MITCH C. SANTOS para sa Ang Pahayagan)

Leave a comment

Trending