PALUIG, Zambales – Hindi naging hadlang ang masamang panahon sa pakikiisa ng 69th Infantry (Cougar) Battalion, 7th Infantry Division, Philippine Army sa isinagawang 10-Kilometer Commemorative Foot March ngayong 12 Hulyo 2026 bilang paggunita sa ika-10 anibersaryo ng 2016 Arbitral Award kaugnay ng West Philippine Sea.
Ang nasabing aktibidad ay pinangunahan ng 69IB, mula sa Headquarters Company, Alpha Company, Bravo Company, at Charlie Company ng batalyon. Nakiisa rin ang mga kinatawan ng Botolan Municipal Police Station (MPS), Regional Mobile Force Battalion (RMFB), Provincial Mobile Force Company (PMFC), Philippine Coast Guard (PCG) Botolan Sub-Station at Bravo Company, 306th Ready Reserve Infantry Battalion (306RRIBn).

Layunin ng naturang commemorative foot march na ipakita ang pagkakaisa, pagmamahal sa bayan, at sama-samang paninindigan ng mga ahensya ng pamahalaan sa pagsusulong ng kapayapaan, seguridad, at pagpapalawak ng kamalayan ng publiko hinggil sa kahalagahan ng 2016 Arbitral Award at sa mga lehitimong karapatan ng Pilipinas sa West Philippine Sea.
Patuloy na ipinakikita ng 69th Infantry (Cougar) Battalion ang matatag nitong suporta sa mga programang nagpapatibay ng nasyonalismo, nagpapalakas ng ugnayan ng militar at komunidad, at nagsusulong ng sama-samang pananagutan sa pangangalaga sa soberanya ng bansa para sa isang mapayapa, ligtas, at nagkakaisang Pilipinas. (Istorya at larawan mula sa 69th Cougar Battalion 7ID)





Leave a comment