SUBIC BAY FREEPORT ZONE– Opisyal nang binuksan ang MSME Week Trade Fair 2026 sa temang “Navigating the Shift: Building Resilient and Future-ready MSMEs,” nitong Miyerkules, Hulyo 8 sa Activity Area ng Ayala Malls Harbor Point sa Subic Bay Freeport zone.
Layunin ng aktibidad na palakasin ang lokal na ekonomiya at mabigyan ng mas malawak na oportunidad ang mga maliliit na negosyo.
Dinaluhan ang pagbubukas ng programa ng mga kinatawan ng iba’t ibang sektor ng pamahalaan at negosyo kung saan nagbigay ng mensahe ng suporta sina MSMED Council of Olongapo President James T. Lee.
Nagsilbing pangwakas na aktibidad ang isinagawang Resilience Block Ceremony matapos na magbigay ng pangwakas na mensahe si Department of Trade and Industry (DTI)- Zambales officer Evangeline S. Bulda gayundin ang photo opportunity bilang simbolo ng patuloy na pagsuporta sa pag-unlad at katatagan ng mga micro, small, and medium enterprises (MSMEs).
Magtatagal ang MSME Week Trade Fair hanggang Hulyo 12, na magtatampok ng iba’t ibang lokal na produkto at negosyo sa Olongapo City at lalawigan ng Zambales. (Ulat ni MITCH C. SANTOS para sa Ang Pahayagan)





Leave a comment