ZAMBALES– Dahil sa tulong nina Deputy Speaker, Zambales First District Representative Jay Khonghun at Zambales Governor Jun Ebdane napagkalooban ang 35 pamilyang residente ng Sitio Tahimik, Barangay Calapacuan sa Subic, Zambales ng kani kanilang titulo matapos ang 5 taon na paghihintay upang tuluyang makamit ang lupa na kinatitirikan ng kanilang mga bahay.
Ayon sa mga residente, ang pagkakaroon ng titulo ay hindi lamang nagbibigay sa kanila ng legal na pagmamay ari kundi nag-aalis din ng matagal na nilang pangamba na mawalan ng tahanan.
Kasama si Kapitana Teresita “Titta” Alver, sama samang isinulong ng mga residente ang kanilang kahilingan hanggang sa maisakatuparan ito sa pamamagitan ng tulong pinansyal na ibinigay ni Cong. Jay Khonghun katuwang ang suporta ni Gov. Jun Ebdane upang maisakatuparan ang pagproseso ng kanilang mga titulo.

Hindi naman napigilan ni Ruby Remedios, isa sa mga benepisyaryo ang kanyang emosyon habang nagpasasalamat.
“Very thankful po kami kay Cong. Jay Khonghun at Gov. Ebdane. Akala ko noong una panaginip lang, pero totoong totoo pala. Kapag humingi ka ng tulong, hindi ka mapapahiya. Naiiyak ako sa tuwa. Maraming salamat po” ayon kay Remedios (PR)




Leave a comment