OLONGAPO CITY – Pormal nang nilagdaan ngayong Huwebes, Hulyo 2, ang Memorandum of Agreement (MOA) para sa pagtatatag ng OFW Help Desk at pagpapatupad ng iba’t ibang programa para sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs) at kanilang mga pamilya sa Lungsod ng Olongapo.
Layunin ng kasunduan na mapalapit ang mga serbisyo ng pamahalaan sa mga OFW at kanilang pamilya sa pamamagitan ng OFW Help Desk, na magsisilbing sentro ng impormasyon, assistance, maiwasan ang ilegal recruitment at iba pang programang makatutulong sa sektor ng mga migranteng manggagawa sa Olongapo City.
Dumalo sa programa ang mga kinatawan mula sa Department of Migrant Workers (DMW), Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), Department of Labor and Employment (DOLE), Technical Education and Skills Development Authority (TESDA), at iba pang katuwang na ahensya ng pamahalaan.
Kabilang sa mga nagbigay ng mensahe sina Mario Esquiqillo Department Head Public Employment Service Office PESO, DMW Regional Director Atty. Marion S. Sevilla, OWWA OIC-Regional Director Redina C. Manlapaz, TESDA Zambales Provincial Director Dr. Rheygan I. Prado, DOLE Zambales Provincial Director Reynante N. Lugtu, at Olongapo City Mayor Atty. Rolen C. Paulino Jr. (Ulat at larawan para sa Ang Pahayagan ni MITCH C SANTOS)




Leave a comment