SUBIC, ZAMBALES — Isang kakaibang creative activity ang naghihintay sa mga residente at turista sa Subic matapos ihayag ng Bulong Café by Costa ang paglulunsad ng kauna-unahang wheel throwing pottery experience sa lugar.

Sa naturang workshop, magkakaroon ng pagkakataon ang mga kalahok na matutunan ang sining ng pottery gamit ang pottery wheel, maranasan ang paghubog ng luwad, at makalikha ng sarili nilang pottery masterpiece.

Ayon sa anunsyo ng café, ang aktibidad ay angkop para sa mga magkasintahan, magkakaibigan, pamilya, at sinumang naghahanap ng kakaiba at nakakarelaks na bonding o creative experience.

Gaganapin ang pottery experience sa Bulong Café by Costa sa Subic, Zambales.

Nilinaw ng organizer sa pangunguna ng April Mora Creatives na limitado lamang ang bilang ng mga slot kaya hinihikayat ang mga interesadong kalahok na magpareserba nang maaga upang masiguro ang kanilang puwesto. (Ulat ni MITCH C. SANTOS para sa Ang Pahayagan)

Leave a comment

Trending