OLONGAPO CITY– Nasunog ang videoke bar na “Panahon sa Nayon Bar” o mas kilala bilang “Nayon” sa 6th Street Barangay Asinan, Olongapo City, tanghali nitong Lunes, Hunyo 29, 2026.

Batay sa paunang impormasyon, pinaniniwalaang nagsimula ang sunog dahilan sa faulty electrical wiring sa bahagi ng kusina ng establisyemento.

Agad namang rumesponde ang Olongapo City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) sa pamumuno ni Jeffrey Lapid, katuwang ang Bureau of Fire Protection (BFP) at mga barangay responders, kabilang ang Kalalake Barangay Responders Unit (KABRU), kaya mabilis na naapula ang apoy.

Idineklarang fire out ang sunog bandang 12:22 ng tanghali kung saan walang naiulat nasaktan. (Ulat ni MITCH C. SANTOS para sa Ang Pahayagan)

Leave a comment

Trending