Agad na naapula ng mga rumespondeng kagawad ng Olongapo Fire-Search and Rescue Team (Alpha), Bureau of Fire Protection (BFP), mga opisyal ng Barangay New Cabalan, at Olongapo Electric Distribution Company (OEDC) ang naganap residential fire sa Saturn Street, Purok 7, Barangay New Cabalan, Olongapo City, gabi ng Miyerkules, Mayo 27, 2026.
Pinuri ng mga residente ang mabilisang fire response operation ng mga awtoridad na mapigilan ang pagkalat ng apoy sa mga kalapit na kabahayan. (Ulat ni MITCH C. SANTOS para sa Ang Pahayagan)
📸Olongapo City DRRMO


Leave a comment