Naaresto ng mga operatiba ng Olongapo City Police Office Police Station 3 Special Drug Enforcement Unit (PS3 SDEU) ang isang High Value Individual (HVI) na kilala sa alyas na “Son” sa isinagawang anti-illegal drug operation bandang ala-1:25 ng madaling araw ngayong Huwebes Mayo 28,2026 sa No. 35 Jones Street, Barangay New Asinan, Olongapo City.
Sa naturang operasyon, inaresto ang suspek at nakumpiska mula sa kanya ang pitong heat-sealed plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na may kabuuang timbang na humigit-kumulang 19.26 gramo at tinatayang Standard Drug Price (SDP) na nasa ₱130,968.
Narekober din ng mga pulis ang dalawang pirasong ₱500 bill na ginamit bilang buy-bust money sa isinagawang transaksyon.
Dinala ang suspek kasama ang mga nakuhang ebidensya sa Police Station 3 para sa kaukulang dokumentasyon at paghahanda ng mga kasong isasampa laban sa kanya.(Ulat para sa Ang Pahayagan / MITCH C. SANTOS)


Leave a comment