Ang Pahayagan

SUSPEK ARESTADO SA BUY-BUST OPERATION

OLONGAPO CITY– Arestado ang isang lalaki na kabilang umano sa SLI list matapos ang isinagawang buy-bust operation ng mga awtoridad sa Purok 6, Upper Nagbaculao, Barangay Kalaklan, bandang 10:40 ng gabi nitong Martes,Mayo 26, 2026.

Kinilala ang suspek na alyas “Lele,” 26 taong gulang, na kasalukuyang nakatira sa Barangay Maligaya, Dinalupihan, Bataan.

Ayon sa ulat ng Police Station 1 Drug Enforcement Unit (SPDEU), isinagawa ang operasyon sa bisa ng Target Intelligence Packet (TIP) control number B-2026-023-PRO3-OCPO-PS1 na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek.

Nakumpiska mula sa kanya ang tatlong (3) self-sealing transparent plastic sachet at isang (1) vacuum-sealed plastic na naglalaman ng hinihinalang marijuana na may kabuuang timbang na humigit-kumulang 61.2 gramo. Tinatayang aabot sa ₱7,344.00 ang standard drug price ng nasabing iligal na droga.

Nasamsam din sa operasyon ang dalawang (2) pirasong ₱100 bill na ginamit umano bilang marked money.

Dinala ang suspek at mga nakuhang ebidensya sa Police Station 1 para sa dokumentasyon at tamang disposisyon habang isinasagawa ang kaukulang legal na proseso laban sa kanya.(Ulat para sa Ang Pahayagan / MITCH C. SANTOS)

Leave a comment