NI: MITCH C. SANTOS
ANGELES CITY — Dalawa na ang naitalang namatay sa pagguho ng under-construction na siyam na palapag na gusali sa Balibago, Angeles City matapos na makakuha ang mga search and rescue responders ng isa pang na-trap mula sa guho, base sa pinakahuling ulat na inilabas nitong umaga ng Lunes, Mayo 25, 2026.
Batay sa ulat, naisugod pa sa pagamutan ang biktima subalit ideneklara na itong dead on arrival.
Patuloy ang operasyon ng iba’t ibang rescue teams mula sa Bureau of Fire Protection (BFP), Philippine Army, MMDA, MDRRMO, at iba pang ahensya mula sa iba’t ibang lungsod at lalawigan upang hanapin ang mga nawawalang biktima.
Kabilang din sa dumating na tulong at kagamitan sa lugar ang mga K9 units, heavy equipment para sa debris clearing, at mga engineering team para sa structural evaluation at power restoration.

Dumating na din ang Olongapo City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) upang tumulong sa isinasagawang search, rescue, at retrieval operations sa gumuhong gusali.
Ang naturang rescue team na may dalang mga rescue equipment ay nakikipag-ugnayan sa iba’t ibang responding agencies at rescue units upang mapabilis ang paghahanap sa mga posibleng na-trap sa ilalim ng mga gumuhong debris. Sa kasalukuyan, nagpapatuloy pa rin ang isang rescue operation habang mahigpit na binabantayan ng mga awtoridad ang sitwasyon sa lugar.
📸 Angeles City Information Office


Leave a comment