Ang Pahayagan

ACT REGION III, NAG-IMBITA SA LEADERSHIP TRAINING

NUEVA ECIJA –Naghahanda ang Alliance of Concerned Teachers (ACT) Central Luzon para sa isang tatlong araw na Leadership Training and Seminar na gaganapin mula Mayo 21 hanggang 23, 2026 sa Family Farm Resort sa Purok Orchids Pacac, Guimba, Nueva Ecija.

Ayon sa liham ng ACT Region III na pirmado ni ACT CL President Amelia S. Serdeña, layunin ng aktibidad na palakasin ang kakayahan sa pamumuno, palalimin ang pag-unawa sa organisasyon, at paigtingin ang pagkakaisa ng mga kalahok.

Kabilang sa mga tatalakayin sa seminar ang pambansa, lokal at sektoral na sitwasyon, ACT Orientation and Leadership, at planning workshop.

May registration fee na P500 kada kalahok upang matustusan ang lodging at pagkain sa buong aktibidad.

Magsisimula ang seminar dakong alas-12 ng tanghali ng Mayo 21 at magtatapos alas-12 din ng tanghali ng Mayo 23. Hinikayat ng ACT CL ang mga guro at kasapi na aktibong makilahok upang maging matagumpay ang naturang pagtitipon. (Ulat para sa Ang Pahayagan / MITCH C. SANTOS)

Leave a comment