Ang Pahayagan

K5 BROADCASTING, PINASINUNGALINGAN ANG ULAT SA ITATAYONG 101.9 K5 NEWS FM SA MEGA MANILA

Mariing itinanggi ng pamunuan ng K5 Broadcasting Company, Inc. ang kumakalat na ulat na magtatayo umano sila ng radio station na “101.9 K5 News FM” sa Mega Manila.

Ayon sa kumpanya, nagmula ang maling impormasyon sa isang Facebook group na nag-ulat na gagamitin umano ang property ng dating PBB House, o mas kilala bilang “Bahay ni Kuya,” bilang lokasyon ng nasabing himpilan.

Nilinaw nilang walang katotohanan ang nasabing pahayag.

Dagdag pa ng pamunuan, una nang nakaranas ang kanilang kumpanya ng pagkalat ng maling impormasyon matapos gumawa ng pekeng Facebook page at logo na “101.9 K5 News FM Manila” noong 2025.

Bagamat kilala ang K5 na Mayroong 62 na istasyon sa buong Pilipinas sa iba’t ibang probinsya tulad ng Olongapo, Iloilo, Bacolod, at Cagayan de Oro, hindi kabilang sa kanilang operasyon ang nasabing frequency sa Kalakhang Maynila.

Nagpaalala rin sila sa publiko na maging mapanuri at huwag agad maniwala sa mga impormasyong nakikita online, lalo na kung hindi ito nagmumula sa opisyal na sources.

Binigyang-diin ng kumpanya na ang paggamit ng kanilang logo at pagkakakilanlan nang walang pahintulot ay hindi katanggap-tanggap at maaaring magdulot ng kalituhan sa publiko.

Samantala, nilinaw rin na ang Ka-Bida Channel ay walang anumang ugnayan o affiliation sa 5K Broadcasting Company, Inc., at kasalukuyan na nilang inaaksyunan ang pag-uulat ng mga pekeng impormasyon sa pamunuan ng Meta. (Ulat para sa Ang Pahayagan / NI: MITCH C. SANTOS)

Leave a comment