SUBIC BAY FREEPORT—Unti-unti nang bumabalik ang sigla ng industriya at ang paglago ng mga manggagawa sa dating Hanjin shipbuilding complex sa ilalim ng pangangasiwa ng Agila Subic Compass o “Agila Subic”.
Ang 310-ektaryang dating Hanjin shipyard sa Redondo Peninsula ay muling nakausad na ngayon bilang multi-use facility shipbuilding logistics and storage services complex kung saan may apat nang lessors rito sa pangunguna ng shipbuilder na HD Hyundai Heavy Industries Philippines; Subcom, manufacturer and installer of subsea fiber optic cable; V2X, isang logistics firm na nakatala sa New York Stock Exchange, at ang Philippine Navy.
Ayon kay Agila Subic general manager Mark Millan, abala na ngayon ang nasabing kumpanya sa site development para sa inaasahang full operation ng mga ito. Inaasahang kukuha ng 4,000 manggagawang bago magtapos ng taon na ito at nilalayon din ng Agila Subic at ng mga nangungupahan rito na makabuo ng humigit-kumulang sa 10,000 trabaho pagsapit ng 2027.
Ani Millan, ang revitalization ng Agila Subic o “muling pagkabuhay” ay nagdulot ng malaking benepisyo sa ekonomiya, kung saan ay inaasahang ang aabot sa $1 bilyon ng kabuuang pamumuhunan ibubuhos rito.
“When we started operations in 2022, we made it our commitment to transform the facility into an economically viable site that would bring in world class locators and create thousands of jobs – both direct and indirect – to Subic Bay and nearby communities, thereby contributing to the Philippines’ economic growth. We are pleased to see that we are on track in achieving that vision after only three years of operations through partnerships with our locators and with support from the Philippine government,” saad pa ni Millan.

📸 Ipinaliliwanag ni painting supervisor Rosabel Villafania, ang prosesong ginagawa sa isang bahagi ng barko sa HD Hyundai Heavy Industries.
Asahan din aniya ang pagdami ng mga skilled na trabaho na may pangangailangan sa mga lokal na talento, tulad ng mga engineer, skilled workers, contractors at service providers.
Ang pagsigla ng pasilidad ng Agila Subic ay makakatulong din na mag-ambag sa pagpapasigla ng lokal na ekonomiya, kung saan kapansin-pansin na rin ang pagbubukas ng mga bagong restaurant, tindahan, at maliliit na negosyo malapit sa lugar. (Ulat at larawan para sa Ang Pahayagan / JUN DUMAGUING)
TOP 📸 Si Aguila Subic general manager Mark Millan (dulong kanan) kasama ang ilang trainee ng HD Hyundai Heavy Industries


Leave a comment