SUBIC BAY FREEPORT– Natalaga bilang bagong District Collector ng Port of Subic ang dating Port of Cebu Acting District Collector na si Ciriaco DG Ugay nitong Miyerkules, Agosto 09, 2023.

Isinagawa ang simpleng turn-over ceremony sa tanggapan ng ahensia kung saan iniabot ni Deputy Collector Tita Zamoranos ang watawat ng BOC na sinundan ng paglagda ni Ugay sa kanyang assumption documents.

Sa kanyang mensahe, inihayag ni Ugay ang kanyang kagalakan na mabalik sa Subic sa ikatlong pagkakataon.

“𝘛𝘩𝘦 𝘗𝘰𝘳𝘵 𝘰𝘧 𝘚𝘶𝘣𝘪𝘤 𝘩𝘰𝘭𝘥𝘴 𝘢 𝘴𝘱𝘦𝘤𝘪𝘢𝘭 𝘱𝘭𝘢𝘤𝘦 𝘪𝘯 𝘮𝘺 𝘤𝘢𝘳𝘦𝘦𝘳, 𝘢𝘯𝘥 𝘐 𝘢𝘮 𝘤𝘰𝘮𝘮𝘪𝘵𝘵𝘦𝘥 𝘵𝘰 𝘶𝘱𝘩𝘰𝘭𝘥𝘪𝘯𝘨 𝘪𝘵𝘴 𝘭𝘦𝘨𝘢𝘤𝘺 𝘰𝘧 𝘦𝘹𝘤𝘦𝘭𝘭𝘦𝘯𝘤𝘦.” saad ni Ugay.

Hiniling niya ang suporta, kooperasyon at pangako ng lahat ng kawani upang makamit ang aniya mga mandato ng ahensiya kaugnay sa revenue collection, border protection and trade facilitation. (Ulat sa Ang Pahayagan / JUN DUMAGUING)

📸 Larawan mula sa Bureau of Customs- Port of Subic

Leave a comment

Trending