Ang Pahayagan

San Marcelino Municipal Ordinance 2023-159 mahigpit na ipinatutupad sa San Marcelino

ZAMBALES–Pina-alalahanan ng mga otoridad ng San Marcelino na ipatutupad rito ang ordinansang nagbabawal sa mga traysikel, motorsiklo, ebike, bisikleta at iba pang mababagal na sasakyan na pumagitna sa kahabaan ng National Highway at manatili lamang ang mga ito sa kanang bahagi o outermost lane ng pangunahing lansangan.

Nakapaloob ito sa Municipal Ordinance 2023-159 Adapting Republic Act 4136 na kung saan mahigpit na ipinagbabawal sa mga nabanggit na sasakyan na pumagitna sa pangunahing lansangan para na din sa kaligtasan ng mga motorista.

Batay sa mga nakapaskil na abiso, may karampatang multa na aabot sa P1,000.00 sa mga lalabag sa naturang ordinansa. (Ulat at larawan para sa Ang Pahayagan / JUN DUMAGUING)

Leave a comment