Ang Pahayagan

ERC, sinuspinde ang koleksyon ng FIT ALL para mapababa ang singil sa kuryente

MANILA–Ipinatigil ng Energy Regulatory Commission (ERC) ang pagkolekta ng feed in tariff allowance (FIT ALL) sa loob ng tatlong buwang electric billing.

Ang feed in tariff allowance ay sinisingil sa mga consumer upang matiyak ng development at promotions ng renewal energy sa bansa.

Sa isang resolusyon, inaprubahan ng ERC, suspendido muna ang paniningil nito mula December hanggang February 2023.

Ayon kay ERC Chairperson Monalisa Dimalanta, layon nito na maibsan ang pasanin ng publiko sa mataas na presyo ng bilihin.

Napag-alaman na sa kasalukuyan ang FIT All rate ay kinokolekta ng National Transmission Corp. (TransCo) mula sa mga on grid consumers bilang kabayaran sa mga renewable energy developers at ito ay mas mababa sa P0.04 kada kilowatt hour.

“So it will be suspended temporarily for three months. Hopefully, that will help cushion and reduce slightly our electricity rates,” saad ni Dimalanta.

Pinag-aaralan na rin aniya ng ERC ng iba pang paraan para mapababa pa ang electricity rates.

Leave a comment