Botolan, ZAMBALES—Tatlo katao ang kumpirmadong namatay habang isa pa ang kasalukuyang hinahanap sa naganap na insidente ng pagkalunod sa Barangay Panan noong nakalipas na Sabado Agosto 6.
Sa ulat na nakalap sa Botolan MDRRMO, ang mga biktima ay napag-alamang pawang mga taga-Bulacan at bakasyunista lamang sa lugar.
Unang natagpuan ang biktimang si Donna Santiago, 36, na nadala pa sa ospital subalit binawian din ng buhay habang kinahapunan na nakita isa pa na kinilalang si Rialyn Rosales, 17 na wala na din buhay.
Kinabukasan na natagpuan ang isa pang biktima na kinilalang si Reynaldo Santiago, 60, na natagpuan ng mga residente sa karatig na barangay ng Porac.
Sa kasalukuyan ay patuloy ang operasyon upang mahanap si Rayn Santiago, 13-anyos na isa pa sa nawawalang biktima.
Sa kabila nang malalaking alon sa karagatan ay patuloy pa rin ang search operation ng pinagsanib na puwersa ng Philippine Coast Guard (PCG), PNP Maritime Police, BFP, Botolan MDRRMO at katuwang ang mga opisyales ng iba’t-ibang barangay upang mahanap ang isa pang biktima ng pagkalunod.(Botolan MDRRMO photos)




Leave a comment