OLONGAPO CITY — Mahigit 2,400 residente ng Barangay Santa Rita ang nakatanggap ng tig-10 kilo ng bigas sa ikalawang bugso ng pamamahagi ng rice subsidy na isinagawa nitong Martes, Oktubre 27 sa Marikit Park.
Ang listahan ng mga kwalipikadong benepisyaryo ay nagmula sa Community-Based Monitoring System (CBMS) 2024 at ipinasa sa CSWDO, sa halip na direktang mula sa pamunuan ng barangay.
Nilinaw din na ang rice subsidy ay hindi kaugnay ng pagbaha, kundi bahagi ng programa ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na ipinatutupad sa pamamagitan ng pamahalaang lungsod.
Layunin ng programa na makatulong sa gastusin ng mga pamilya sa gitna ng pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin, partikular ng bigas.
Hinimok naman ang mga residente na makipagtulungan, magpasensiya, at magdala ng sapat na inuming tubig habang naghihintay sa kanilang bigas. (Ulat ni Mitch C. Santos)




Leave a Reply