Muling kinilala ang Kazama Grameen Inc. – Mutual Benefit (KGI MBA) matapos nitong matanggap ang ikatlong Golden Arrow Award mula sa Institute of Corporate Directors (ICD) sa ginanap na ACGS Golden Arrow Awards noong Oktubre 23, 2026.

Ipinagkaloob ang parangal bilang pagkilala sa paninindigan ng KGI MBA sa pagsusulong ng mahusay na pamamahala (good governance), transparency, at accountability sa organisasyon.

Ayon sa KGI MBA, sumasalamin ang pagkilalang ito sa kanilang patuloy na pagsisikap na mapanatili ang integridad, pagiging bukas sa mga miyembro, at pananagutan sa pagtupad sa kanilang mga tungkulin.

Nagpasalamat din ang organisasyon sa kanilang Board of Trustees, management, mga katuwang, at higit sa lahat, sa mga miyembrong patuloy na nagtitiwala at sumusuporta sa kanilang mga programa at serbisyo.

Binigyang-diin ng KGI MBA na iniaalay nila sa kanilang mga miyembro ang naturang parangal, na nagsisilbing inspirasyon upang higit pang pagbutihin ang kanilang pamamahala at paglilingkod.

Sa pagtatapos ng kanilang pahayag, nagbigay-papuri rin ang organisasyon sa Diyos para sa panibagong pagkilalang natanggap nito. (Ulat ni Mitch C. Santos)

Leave a Reply

Trending