OLONGAPO CITY– Pormal nang binuksan ang LAB1 Medical & Diagnostic Center at Pronto Suites sa isinagawang Grand Opening sa Pronto Suites Building, 205 RH5 National Highway, Upper Kalaklan, Olongapo City.
Layunin ng dalawang bagong establisimyento na makapaghatid ng accessible na serbisyong pangkalusugan at modernong accommodation para sa mga residente at bisita ng lungsod.
Kabilang sa mga tampok sa programa ang ceremonial blessing at ribbon-cutting, na sinundan ng pagpapahayag at pasasalamat ng pamunuan sa pangunguna ni Tess Pronto. Nagpaabot din ng pagbati ang mga dumalo sa pamunuan at mga bumubuo ng LAB1 Medical & Diagnostic Center at Pronto Suites sa pagsisimula ng kanilang operasyon.

Kasabay ng Grand Opening ang pagbubukas ng mga pasilidad para sa publiko.
Kapansin-pansin naman ang pagdagsa ng mga kliyente sa LAB1 Medical & Diagnostic Center, kung saan mahaba ang pila ng mga sumailalim sa medical examination.
Kabilang sa mga kliyente ang mga nangangailangan ng pre-employment medical requirements, habang tumatanggap din ang pasilidad ng walk-in patients.
Kabilang sa mga serbisyong iniaalok ng LAB1 ang complete blood count (CBC), urinalysis, fecalysis, chest X-ray, physical examination at drug testing.
Ang pagbubukas ng LAB1 Medical & Diagnostic Center at Pronto Suites ay nagdagdag sa mga establisimyentong nagbibigay ng serbisyong pangkalusugan at accommodation sa Olongapo.

Inaasahang makatutulong ang mga bagong pasilidad sa pagpapalawak ng access ng mga residente at bisita sa mga serbisyong medikal at accommodation, gayundin sa pagdaragdag ng aktibidad sa negosyo at serbisyo sa lungsod. (Ulat ni Mitch C. Santos para sa Ang Pahayagan)




Leave a comment