Subic Bay Freeport– Lumikha ng bahagyang trapiko ang naganap na karambola ng isang pampasahero jeep at dalawa pang sasakyan sa panulukan ng National Highway at Kalaklan Bridge papasok ng Subic Bay Freeport umaga ng Martes.

Ang naturang aksidente ay nataon sa rush hour kung saan papasok ang karamihan sa mga manggagawa sa Freeport zone at mga estudyante sa mga eskuwelahan sa Olongapo City.

Napag-alaman sa inisyal na ulat na nawalan umano ng preno ang naturang pampasaherong jeep na pababa mula sa zigzag road at nabangga nito ang isang Toyota Wigo at isang Toyota Innova bago tuluyang bumangga sa isang poste katabi ng waiting shed.

Nabatid na walang nasaktan sa panig ng mga drayber ng mga nasangkot na sasakyan subalit may isang pasahero ng nasabing jeep ang kinailangang dalhin sa ospital ng mga rumespondeng tauhan ng Barangay Kalaklan Rescue Team, kasama ang DRRMO at BFP.

Kasalukuyan pang ini-imbestigahan ang insidente.

Mga larawan mula sa Barangay Kalaklan Rescue

Leave a comment

Trending