QUEZON CITY — Dumating sa Metro Manila nitong Biyernes, Nobyembre 13 ang nasa 200 miyembro ng katutubong komunidad ng Ayta upang lumahok sa kampuhan sa University of the Philippines (UP) Diliman at mga nakatakdang protesta laban sa Pax Silica Initiative at pagbisita ni US President Donald Trump.
Sinalubong ang delegasyon ng UP Diliman Alliance Against Pax Silica (UPAX), KATRIBU, Network Opposed to Pax Silica, mga estudyante, guro at iba pang grupo na tumututol sa nasabing inisyatiba at sa pakikialam ng Estados Unidos.
Ayon sa mga organizer, umabot sa 1,000 katao mula sa iba’t ibang sektor, kabilang ang mga estudyante, katutubo, manggagawa at mga tagapagtaguyod ng karapatan, ang lumahok sa kampuhan.

Bilang bahagi ng pagsalubong, naghandog ang mga Ayta ng kamote, isa sa kanilang pangunahing pinagkukunan ng kabuhayan, bilang pagpapakita ng pakikiisa sa mga kalahok sa kampuhan.
Bilang tugon, nagbigay naman ang mga miyembro ng komunidad ng UP ng mga kuwintas na bulaklak na sunflower sa delegasyon ng Ayta bilang simbolo ng pagkakaisa at suporta sa kanilang paninindigan para sa karapatan sa lupang ninuno at kabuhayan. (Ang Pahayagan Reportorial Team)
Photos courtesy of Katribu




Leave a Reply