Nagsagawa ng pagpupulong ang Olongapo City Police Office (OCPO) kasama ang mga Facebook group administrators at ilang media organizations ngayong Huwebes, Setyembre 24, sa Camp Lt. Gen. Manuel F. Cabal sa Barangay Barretto, Olongapo City.

Pinangunahan ang pagtitipon ni City Director Police Colonel Deonido S. Maniago Jr., kung saan tinalakay ang iba’t ibang concerns kaugnay ng mga social media post at daloy ng impormasyon sa komunidad.

Layunin ng pagpupulong na magkaroon ng mas maayos na pag-unawa at koordinasyon sa pagitan ng kapulisan, social media administrators at mga tagapaghatid ng impormasyon, lalo na sa mga usaping may kaugnayan sa responsableng paggamit at pagpapalaganap ng impormasyon online.

Ibinahagi rin ng OCPO na mahalaga ang papel ng mga Facebook group administrators at media sa paghahatid ng impormasyon sa publiko at sa mga usaping napag-uusapan ng mga residente.

Kabilang sa mga dumalo ang Batang Gapo, K5 News FM, Ang Pahayagan, at Central Luzon Gazette. | Photo by: Marti Dumauging/Ang Pahayagan

Leave a comment

Trending