BALANGA CITY, Bataan — Ipinagkaloob ng Department of Agriculture Regional Field Office III (DA RFO III) ang isang modular cold storage facility sa Cupang West Multipurpose Cooperative sa Balanga City, Bataan, bilang bahagi ng mga hakbang upang mabawasan ang post-harvest losses at mapabuti ang pag-iimbak ng mga produktong agrikultural.
Isinagawa ang turnover ceremony kasunod ng Operation and Maintenance (O&M) Training para sa mga kasapi ng kooperatiba hinggil sa wastong paggamit, pangangalaga at pagpapanatili ng pasilidad.

Isinagawa ang proyekto sa ilalim ng Agricultural and Fisheries Logistics Office (AFLO) ng DA RFO III upang suportahan ang mga magsasaka at kanilang mga organisasyon sa Bataan.
Inaasahang makatutulong ang pasilidad sa pagpapahaba ng shelf life ng high-value crops at iba pang produktong agrikultural sa pamamagitan ng pagbibigay ng angkop na lugar para sa pag-iimbak ng mga ani habang hinihintay ang mas magandang kondisyon sa pamilihan.
Maaari rin itong makatulong sa pagbawas ng pagkalugi dulot ng pagkasira at pagkasayang ng mga ani at bigyan ang mga magsasaka ng karagdagang panahon upang maibenta ang kanilang mga produkto sa mas angkop na presyo.
Mga larawan mula sa Department of Agriculture Central Luzon




Leave a comment