Isinagawa ang Castillejos Exemplary Awards for Legislators (CEAL) 2026 Orientation para sa mga Punong Barangay at Barangay Secretary mula sa iba’t ibang barangay sa Castillejos.

Layunin ng orientation na ipaliwanag sa mga barangay officials ang mga pamantayan, proseso, at mga dokumentong kailangang isumite para sa CEAL 2026.

Binigyang-diin din ang kahalagahan ng kumpleto at maayos na dokumentasyon bilang bahagi ng pagsusuri sa mga barangay.

Nagkaroon din ng pagkakataon ang mga dumalo na magtanong at linawin ang mga kailangang gawin bilang paghahanda sa pagsusumite ng kanilang mga dokumento.

Ang CEAL ay naglalayong kilalanin ang maayos na pamamahala, pananagutan, at serbisyo publiko ng mga halal na opisyal sa antas-barangay. | Photo credit: John Paul Dela Peña / Castillejos LGU

Leave a comment

Trending